Column in Abante
by Ellen Tordesillas
Sa rally na in-organisa ng mga estudyante noong Biyernes sa Liwasang Bonifacio, marami sa mga speakers ang nanawagan na sa kanilang pagbalik sa kani-kanilang probinsya ngayong bakasyon, ipagpatuloy nila ang paghanap ng katotohanan at hustisya na siyang pakay ng mga kilos protesta nitong mga nakaraang linggo at buwan laban kay Gloria Arroyo.
Sinabi rin ng mga batang mga speakers na huwag masyadong magkampante si Arroyo at ang kanyang mga opisyal na libre na sila sa kanilang krimen laban sa sambayanang Pilipino. Sa kanilang bakasyon, ipapaliwanag nila sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang pinaglalaban dito sa Maynila.
Ipapaliwanag nila na ang kurakutan ng mag-asawang Arroyo at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ay nakaka-apekto sa bawat mamamayan, kasama na sila dahil ang uutangain para sa proyekto ng NBN/ZTE ay babayaran natin. $200 milyon o P10 bilyon yun ang mapupunta sana sa bulsa ng mga ganid na barkada nina Arroyo.Hanggang kaapuhan natin babayad noon.
Maganda na sinabi ito ng mga speakers kasama na si Grace Poe Llamansares, anak nina Susan Roces at Fernando Poe, Jr; Adel Tamano, ang guwapo at batang presidente ng Pamantasan ng Maynila at spokesman ng United Opposition at ni Danton Remoto.
Naglulundag na kasi sa tuwa sina Arroyo at ang kanyang mga opisyal at hindi raw sila napatumba ng oposisyon. Sabi ng Norberto Gonzales, national security adviser ni Arroyo, na ang pinalakas na raw na protesta ay ang Feb. 29 na rally sa Makati. Hanggang doon lang daw ang lakas ng oposisyon. Kaya libre na si Arroyo. Tuloy na ang kanilang ligaya.
Kampante sila kasi magbabakasyon na at wala ng mga estudyante na sasali sa mga rally. Pagbalik sa Hunyo, nakalimutan na raw ang kontrobersya ng NBN/ZTE.
Totoo yun na walang masyadong rally sa mga susunod na linggo dahil bakasyon na nga ng mga paaralan. At summer na. Grabe na ang init. Noong Biyernes lang, nakakapanghina ang init.
Ngunit makita natin sa pahayag ni Gonzales na ang mahalaga lang sa kanila ay ang maka-survive. Wala silang paki-alam sa katotohanan at hustisya.
Sa kanilang pahayag, ipinapa-alam nila na walang repormang mangyayari habang si Arroyo ang nasa Malacañang. Kaya tuloy ang kurakutan. Tuloy ang pagnakaw sa taumbayan. Iyan ang nakaka-ngitngit.
Ako ay naniniwala na hindi kagustuhan ng Panginoon na mangingibabaw ang kasamaan. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapayagan niyang mamayagpag ang pagnanakaw at kasinungalingan sa ating bansa. Ngunit naniwala akong sa kahuli-hulihan, nanalo ang kabutihan sa kasamaan.
Bagay ito pag-isipan ngayong semana santa.
.

Comments