Ricky, handang tulungan ng Ladlad Ni Gorgy Rula Abante PORMAL na in-announce ng Ladlad partylist na tinanggap na ni Boy Abunda ang matagal nilang alok na maging Senior Party Adviser. Kasama ni Kuya Boy na humarap sa press kahapon ang Ladlad chairperson na si Bemz Benedito para ipahayag ang pagiging aktibo ni Kuya Boy sa naturang samahan. Matagal nang sumusuporta si Kuya Boy sa naturang grupo pero ngayon lamang siya nagsalita at ipinahayag ang kanyang partisipasyon sa ipinaglalaban ng Ladlad para sa 2013 Elections ay magkaroon na ito ng puwang sa Kongreso, na ang target nila ay makakuha ng tatlong seats. Ayon kay Kuya Boy, “Alam n’yo naman lahat kung ano ang laban nitong Ladlad na nangyari sa Comelec hanggang sa nakarating sa Korte Suprema, at ang prosesong ‘yun. “Pagkatapos matalo ng Ladlad nu’ng nakaraang eleksyon, hindi na kami papayag. Kaya ngayon, hinihikayat na namin ang lahat ng aming mga miyembro. “We are assessing, we are revisiting our list, we are encouraging LGBT (lesbian...