Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2012

REMOTO CONTROL

Pinoy Parazzi January 25, 2012 A REVERED name both in the academe and in politics, isa na ring ganap na radio commentator si Danton Remoto via his evening program aptly titled Remoto Control on Radyo Singko 92.3 News FM. Spicing up the 9:30 p.m. block from Mondays to Fridays, the former English and Literature professor at the Ateneo de Manila University (where he taught for 22 years) promises na ang naturang programa “ay para sa mga misis na nag-aabang sa asawang pauwi ng bahay, o sa mga sekyong nakatalaga sa building, o sa mga yaya na nagpaplantsa ng damit ng kanilang mga amo, o sa mga karaniwang Pinoy na uhaw sa mga napapanahong impormasyon sa ating kapaligiran.” Within Danton’s program are segments like Sulyap sa Nakaraan, Kalabit sa Balita (a fearless, no-holds-barred editorial), Super Sounds, a portion dedicated to the Pinoys who have excelled in their fields of endeavour and a compilation of ages-old Filipino legends and myths. Currently the News5 Research head and host of Tayuan

May radio program na

from Tempo newspaper January 29, 2012 May radio program na si Danton Remoto, isa sa mga nirerespetong pangalan sa akademiya at pulitika. Si Danton ang head ng NEWS5 Research at host ng talk show na “Tayuan Mo At Panindigan” sa all-news channel na “Aksyon TV” ng TV5. Mapapakinggan si Remoto sa “ Remoto Control" sa Radyo Singko, 92.3 News FM, 9:30 to 10:15 pm pagkatapos ng “Sakto kay Paolo at Cherie” nina Paolo Bediones at Cherie Mercado. Hitik sa impormasyon ang radio program ni Danton para sa mga misis,yaya, security guards, sa mga gustong mag- OFW’s at mga taong gustong matuto sa pamamagitan ng non-formal education. May usapan din tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, alamat, myth at iba pang urban legend ng mga Pinoy, komentaryo sa maiinit na isyu sa bansa, atbpa. Nagturo rin si Danton ng English at Literature for 22 years sa Ateneo University. Siya ang nagtatag ng Ladlad Party List na tumataguyod sa mga karapatan ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT).