Awit ng Bagong Politiko
“Gawin itong bago.”
--Ezra Pound
Tinalikuran natin
Ang alok na mga sako
Na puno ng milyun-milyong piso
Na tig-bebeinte, singkuwenta, at isandaan
Para, ang sabi nga ng mensahero ng imperyo
Na nagpadala ng donasyon sa atin,
“Kayo, Ginoo, ay makabibili ng boto
mula sa mga iskwater na nakatira doon sa ibayo.”
Tinalikuran natin
Ang mga alok ng Fortuner na,
Sa unang tingin, akala nati’y
“fortune teller” ang ibig sabihin,
at bakit naman natin kailangan pang basahin
ang ating hinaharap gayong alam natin,
sagad sa ating mga buto, na sa bandang dulo,
ang korona’y ipuputong sa ating mga ulo?
Tinaluran natin
Ang alok ng mga abogado
Kumikintab sa kanilang mga dilang ginto,
Nagtratrabaho sa gusaling matataas at makikinang,
Ang kanilang mosyon para sa rekonsiderasyon
At walang-konsiderasyon
Ay laging magpapaling ng desisyon
sa direksyon ng ating mga petisyon.
Tinalikuran natin
Ang alok ng mga ahente at opereytor
Na mag-espiya para sa atin,
Magtiktik sa telepono ng kalaban, maghukay
Ng kanilang pinakamalalim, pinakamadilim
Na mga sekreto –
Mula sa di pagbabayad ng buwis
Hanggang pagbabahay ng ilang chicks.
Tinalikuran natin
Ang mga alok na masahihin ang resulta
Ng eleksyon,
Na para bang ang katawan ng politika
Ay puno ng mga bukol,
At namuo-muong mga masel,
Mga minang puno ng kunsumi,
Kinuryenteng mga linyang nagkabara-bara.
Tinalikuran natin
Silang lahat na nagsabing
Ay, kayo ay mga bata,
At dahil dito, ay wala kayong pag-asa,
Dahil wala kayong mga milyun-milyon
Na perang maaaring sunugin
At, dahil dito, ang inyong mga plano
Ay magiging abo lamang sa mga urno.
Tinalikuran natin
Ang mga nagsabing wala nang patutunguhan
Ang ating bayan, at ang pinakamagaling na bayan
Ay iyong nasa kabilang dulo ng karagatan.
Dahil ngayon, haharapin natin silang
Lahat, kabit-bisig ang ating mga braso.
Gugulantangin natin sila sa mga salitang
Tila butil ng ginto,
Ihahandog natin sa mga tao
Ang tinapay ng pag-asang mainit pa sa pagmamahal
Para sa kanilang matagal nang ibinenta
At ibinuhos pababa sa tubo,
Walang habas na niloko,
Pinangakuan, at sa dulo
Ay iniwan na parang maraming mga basahan
Na nagkalat sa mga daan.
Tayo ay nagkaisa, at marami na tayo.
Malinis ang ating mga kamay,
Bumubulwak ang pangarap sa ating mga puso.
Ang ating mga mata’y tila mga pana
Nakakatutok sa gitna ng ating siyang nais:
Pilipinas na maganda,
Pilipinas na maunlad, O Pilipinas,
Minamahal naming Pilipinas.
Danton Remoto
Translation into Filipino
Of a poem written originally in English
December 2, 2007

Comments