By Ellen Tordesillas www.ellentordesillas.com Kayo ba ay naniniwala na talagang tatakbo si Gloria Arroyo bilang kongresista ng Pampanga sa 2010 eleksyon? Malakas ang kutob ko na isa na namang pakulo niya ito at meron talaga siyang ibang maitim na balak. Suspetsa ko diversionary tactic lang ito. Nakakapagtaka kasi sila mismo ang nagpapalutang. Si Arroyo mismo. Sinabi nya sa kanyang talumpati, “anong malay nyo, baka tumakbo akong kongresista sa Pampanga.” Ito ay sinundan ng mga pahayag ng kanyang deputy spokesperson na si Lorelei Fajardo na wala namang batas na nagbabawal na tumakbong kongresista. Ang pinakahuli nilang drama ay ang ikinuwento ni Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman sa mga reporter sa Cotabato City na sinabi raw ni Arroyo sa kanila sa miting ng Legislative-Executive Development Council ang kanyang planong pagtakbo bilang kongresista ng Pampanga. Nang inilabas ng Inquirer, deny ang Malacañang. Walang sinabi raw si Arroyo sa miting. Atras din si Pangandaman. Ginawa ...