By Ellen Tordesillas www.ellentordesillas.com June 9, 2009 Bukas, magkita-kita tayo sa Ayala ng ika-lima ng hapon. Ipakita natin ang ating pagtutol sa panloloko na ginagawa ni Gloria Arroyo sa pamamagitan ng Con-Ass na kanyang isinusulong pra siya manatili sa kapangyarihan habambuhay. Sabi ni Rep. Mauricio Domogan, isa sa may-akda ng nakakadiri na House Resolution 1109, na kahit mag-ngangawa ang mga tao sa kalsada, wala silang paki-alam. Itutuloy nila ang kanilang ilegal na gawain. Sabi niya sa susunod na buwan bubuu-in na ng mga congressman ang Constituent Assembly. Sabi niya kina-calibrate o tinatanya nila ang mga pangyayari. Tama yun, sa isip nina Gloria Arroyo, hindi na mangyayari ang people power. Magra-rally man ang mga tao, isang araw lang yun. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, sino naman ang magtityaga na magprotesta. Kaya, maari nilang gawin ang ano man na pambabastos ng batas, alam nilang hindi mangyayari ang nangyari noong 1986 kay Marcos at noong 2001 kay Estrada. Hawak ni...