Simbahang nagkakasal sa mga bakla at lesbiyana06/29/2011 | 12:06 PM
www.gmanews.tv
Sa New York, maituturing na tagumpay ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender, o LGBT, ang pagkakaroon ng same-sex marriage doon. Pero sa Pilipinas, wala mang batas na kumikilala sa pag-iisang dibdib ng same sex couples, may simbahan na nagkakasal sa kanila - ang Metropolitan Community Church. Si Rev. Ceejay Agbayani ang administrative pastor nito. Nakapanayam siya nina Kara David at Howie Severino sa News To Go.
HOWIE SEVERINO: Anong relihiyon ninyo?
REV. AGBAYANI: We're an ecumenical Protestant Christian denomination that caters to the lesbian, gay, bisexual, and transgender community.
KARA DAVID: Ang Protestant church ba ay kumikilala sa same-sex marriage?
REV. AGBAYANI: Hindi ho lahat ng Protestante. Actually ang isa pong katangian ng Metropolitan Community Church (MCC), we minister to the LGBT community. Sa Pilipinas, kami lang.
KARA: Pero 'yung church ninyo hindi naman para lang sa LGBT?
REV. AGBAYANI: Hindi naman po. Sa ibang bansa, sa MCC sa Canada malaking church 'yon kaya wala na 'yung ganoong exclusivity ng LGBT.
KARA: Okay. At ang kaibahan ninyo sa ibang mga churches ay kayo ay nagkakasal.
REV. AGBAYANI: Since 1968 ho nagkakasal na kami...
KARA: Ng lalaki sa lalaki, ng babae sa babae?
REV. AGBAYANI: Oo. Ang unang kinasal ni Rev. Rey Perry ay mga lesbian noong 1969. Kasi bago lang naman ang MCC, 1968 lang kami at produkto kami ng pagsasara ng mga simbahan sa amin. apagka ikaw ay nag-out, 'yun nga 'yung founder namin nag-out siya Baptist Penticostal 'yun noong nag-out siya. Tinanggal siya kasi nga bakla siya.
HOWIE: Anong reaction ninyo doon sa pagpasa ng batas sa New York legalizing same sex marriages?
REV. AGBAYANI: Kami ay tuwang-tuwa kasi ang Stonewall (riots) ay naganap sa New York at 'yung pride month na ginagawa namin ay dahil sa Stonewall noong June 1969.
HOWIE: Paki paliwanag lang kung ano 'yung Stonewall.
REV. AGBAYANI: Ang Stonewall Riot po ay ito 'yung pag-aaklas ng mga bading, mga transexual sa isang bar na binu-bully ng mga pulis, hinuhuli sila doon sa New York.
HOWIE: 1969. So historic landmark sa kasaysayan ng lesbian at gay...
REV. AGBAYANI: After a year, 1970 nagkaroon ng isang martiya and since then ang June ay tinatawag na Pride month and specifically June 26.
HOWIE: So New York pala significant sa kasaysayan ng mga gay at lesbian.
KARA: Tapos ngayon naging legal na ang same-sex marriage so this is a major victory for...
REV. AGBAYANI: Actually pang-sampu o pangweleven na estado na nagkakaroon ng same-sex marriage sa Estados Unidos. Marami naman pong same-sex marriage sa ibang bansa. Ang Espanya mayroong magandang batas patungkol sa same-sex kung saan nanggaling ang ating Katolisismo.
KARA: Kanina kausap lang ni Howie si Msgr. Pedro Quitorio ng CBCP at sinasabi niya na labag sa batas ng Pilipinas ang magkasal ng lalaki sa lalaki at babae sa babae. Lumalabag daw kayo sa batas.
REV. AGBAYANI: Ike-clear lang po natin ang difference between Holy Union at saka Holy Matrimony. Ang matrimony po talaga, mayroon talagang legal entity. Ang Holy Union ay isang sakramento o rituwal ng Metropolitan churches. Ito po ay rituwal namin.
KARA: Okay. Sinabi kanina ni Msgr. Quitorio na ito’y laru-laro lang.
REV. AGBAYANI: Hindi naman po.
KARA: Kasi hindi naman daw ito legal. So, laru-laro lang daw ito. At hindi naman daw binigyan ng karapatan 'yung solemnizing officer na mag-solemnize ng mga kasal.
REV. AGBAYANI: Hindi naman po matatawag na illegal 'to dahil the Constitution provides the freedom of religion at kasama po ito sa rituwal namin. Kaya hindi naman po puwedeng sabihin na hindi kami puwede, e marami naman pong ibang klase ng pagpapakasal, 'di ba po? Hindi naman puwedeng masabi na illegal ito.
HOWIE: So ano naman ang mga rights and privileges ng mga partner dito sa same-sex marriages sa ilalim ng simbahan niyo?
REV. AGBAYANI: Ang rituwal po talaga ay ginagawa para sa dalawang tao na nagmamahalan after the wedding counseling and they finally decide na mag-asawa at hindi naman ipinagdadamot dapat ng simbahan ang pagpapakasal dahil ito naman po ay kagustuhan ng dalawang taong nagmamahalan.
KARA: Pero walang marriage certificate?
REV. AGBAYANI: 'Yun nga lang po, kaya nga po ang MCC ay advocate for same-sex marrige dahil ang kasal po ay isang inherent right ng lahat ng tao na nagmamahalan, wala dapat pagtatangi sa mga LGBT.
KARA: Okay. Pastor papaano po 'yung mga nagpapakasal po duon sa simbahan ninyo ang tanong siyempre ng mga tao, bakit pa ako magpapakasal e hindi naman ito legal in the sense na wala naman akong papel na panghahawakan, so bakit pa ako magpapakasal?
REV. AGBAYANI: 'Yun nga po ang nakakatuwa kasi kahit hindi po legal pa sa Pilipinas pero nagpapakasal. Iyon lang po ang patunay na talagang may mga tao na nagmamahalan at gusto talaga nilang ma-bless sa simbahan at mabasbasan sa simbahan para doon sa kanilang pagmamahalan. Meron man itong legal entity o wala gusto talaga ng tao ay makasal sila sa simbahan at mabasbasan sila.
HOWIE: Paano naman naiiba itong same-sex wedding sa simbahan ninyo sa karaniwang kasal? May mga singsing? Naka-wedding gown din ba 'yung bride?
REV. AGBAYANI: Depende po kung gaano kabongga 'yung couple. ‘Yung iba naman po na simple ay singsing at unity candle. Pero 'yung iba lahat po ng elements nandoon from the aras, veil and cord, lahat po.
KARA: Hindi ba kayo nadi-discriminate?
REV. AGBAYANI: Malaki ho ang diskriminasyon sa simbahan dito sa Pilipinas, lalo na't both the Catholic and the Protestant ganoon pa din ang pagtatangi sa amin. Pero hindi naman po kami titigil sa ginagawa namin dahil sa palagay po ng simbahan ng kalakhan ng mananampalataya, e ito 'yung tawag na magbubukas sa mga LGBT. Saan pa sila pupunta kung ang simbahan nila ay sinasarhan sila.
HOWIE: May naranasan na ba kayong harassment or threats?
REV. AGBAYANI: Mayroon na po.
KARA: Katulad ng?
REV. AGBAYANI: Noong ako'y maordenahan noong 2008 at 'yung isang Protestanteng simbahan ay pinayagan naman kami doon ako maordenahan. Pero nang malaman nila na karamihan ng mga miyembro ko ay mga bakla, the following day hindi na kami pinapunta doon.
HOWIE: Bakit kailangan ng sariling simbahan ang mga bakla?
REV. AGBAYANI: Magandang tanong po. Produkto po kasi kami ng... reaksyon po ng mga pagtatangi katulad ng mga Black churches na ginagamit ang bibliya na white supremacy tapos kaya sila nai-isolate kaya nagkaroon ng black churches not because sila ay ganoon na, kasi produkto sila ng pagtatangi kaya nagsasama-sama sila. Ganoon din po, ang naging produkto namin ang MCC, pagtatangi sa amin kaya nabuo ang isang Metropolitan Community Church.
KARA: May ilang nagsasabi na, nagbabala actually na 'yung homosexual relationships ay pinagmumulan ng paglaganap daw ng sexually transmitted infections, HIV AIDS.
REV. AGBAYANI: ‘Yan po ay napaka stereotyping at hindi naman po masasabi natin na sa amin nanggaling 'yung mga sakit dahil kahit sa mga heterosexual mayroong ganoon. Huwag naman po sana nating i-associate na ang kabaklaan ang synonymous sa STD o HIV, stereotyping po 'yun at kung aalamin 'nyo naman po ang history ay hindi naman po talaga nanggaling sa amin 'yan. Kaya nga po kami we're in favor of same-sex marriages hindi dahil dun kundi para po with the same morality na nangyayari po sa ating mga magulang e ganoon din po ang morality dapat one-man-man, kaya dapat ang bakla ay hindi lang rampa nang rampa, dapat ito ay mayroon ka nang kinakasama. Kaya po kami ay pavor talaga sa same sex marriage with the same morality po ng ating mga magulang.
HOWIE: Kailan kaya magiging legal ang same-sex marriage sa ating bansa?
REV. AGBAYANI: Kung hindi po ngayon baka po sa isang linggo...
KARA: Pinagdadasal ninyo siguro?
REV. AGBAYANI: Yes, sana po. As soon as possible.

Comments