Skip to main content

May Isang Matalinong Obispo

May Isang Matalinong Obispo

Ni J.I.E. TEODORO


OO, mayroon, taga-Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP, at ang ngalan niya ay si Msgr. Pedro Quitorio. Sa pangalan pa lang niya, nanginginig na ako sa takot. After all, huwag nating kalimutan, si San Pedro ang may hawak ng susi papasok sa tarangkahan ng langit. Kung wala ang pangalan mo sa kaniyang libro, good luck sa ‘yo, doon ka na sa impiyerno. Kung susundan kasi natin ang argumento ni Quitorio, kung bading ka (at gusto mo pang magpakasal, que horror!), wala ka sa listahan ng kaniyang tokayo.
Ganito kasi iyon. Sa News To Go ng GMANEWS TV kaninang umaga (27 Hunyo 2011), masayang ibinalita nina Howie Severino at Kara David na ligal na ang pagpapakasal ng parehong babae at parehong lalaki sa New York. Inaprubahan ang batas na ito ng kanilang Senado noong isang araw at nagdiwang ang maraming mga bading at lesbyana sa iba’t ibang bahagi ng mundo lalo na siyempre sa di natutulog na lungsod ng New York. Pang-anim na estado na ito ng Estados Unidos ng Amerika na mayroong ligal na karapatan ang mga homoseksuwal na magpakasal.
Para sa espiritu ng balanseng pamamahayag, nag-interbyu sina Howie mula sa magkasalungat na partido kapag kabadingan ang pag-uusap dito sa bansa. Ang una ay si Quitorio nga ng CBCP, at ang pangalawa ay si Rev. Ceejay Agbayani ng Metropolitan Community Church, ang simbahang Kristiyano na kumakalinga sa mga bading at lesbyana.
Siyempre alam na natin na diring-diri sa ideya ng homosexual marriage ang CBCP. Noong buhay pa si Cardinal Sin at tinanong siya tungkol dito, Hesus Maria Joseph! lang ang kaniyang sagot. Tingnan mo, naghihintay na lamang ang mga parokyano ng Manila Cathedral ng milagro sa ngalan niya para mag-beatify na ito ng Santo Papa at sakaling maging santo rin. Hesus Maria Joseph to the max din ang reaksiyon ko habang sumasabit ang aking mga kilay sa tuktok ng kampanaryo na sinabayan ko ng pagkukurus dala tambling at isplit mula Manila Cathedral patungong Fort Santiago.
Siyempre sabi ni Quitorio hindi puwede ang homosexual marriage dahil sa ating saligang batas ay iligal ito, at hindi rin naaayon sa “law of nature” na “man at woman” lang dapat ang maaaring ikasal. At hindi raw magbabago ito kailanman.
Ganun?As in like that! Hindi ko alam kung saan nanggaling na kuweba si Quitorio. Pakiramdam ko pumasok siya sa yungib na iyon dalawang siglo bago nagrebolusyon ang Katipunan at nang lumabas siya ay ika-150th na kaarawan na ni Jose Rizal. Baka hindi pa niya nabalitaan na 2005 pa naging ligal ang homosexual marriage sa España. Baka nakalimutan lang ng marunong na obispo na mga Kastila ang nagdala sa ating arkipelago ng relihiyon ng CBCP. Ang España umusad na, tayo nasa panahon pa rin ng kolonyalismong Kastila.
Kaya naihi ako sa saya nang makita ko ang kapatid na Carlos Celdran na nakabihis Rizal with an overcoat, na nagtaas ng plakard na ang nakalagay “Damaso” habang nagmimisa ang mga obispo sa Manila Cathedral ilang buwan pa lamang ang nakalilipas. Kung sino si Damaso, I’m sure kilala siya ni Quitorio. Humarap lang siya sa salamin at makakausap na niya ito.
Tumambling ako sa sagot ni Quitorio nang tinanong siya ni Howie (si Papa Howie na kung binata lang siya at liligawan niya ako at yayaing magpakasal ay mag-o-oo agad ako!) kung ang hindi pagpayag ba ng simbahang Katoliko sa pagpapakasal ng mga bading ay isang uri ba ito ng diskriminasyon. Sagot ng obispo, hindi raw ito diskriminasyon dahil iligal nga ang pagpapakasal ng parehong lalaki at parehong babae. Aniya pa, ibig sabihin dini-discriminate din ba natin ang mga kidnapper kung hindi natin sila papayagang mangidnap dahil labag ito sa ating batas?
Yes, ikinumpara ng butihing obispo ang pagpapakasal ng mga bading sa krimen ng pangingidnap! Kung saan ang koneksiyon at lohika, kayo na ang maghanap sa loob ng sutana o ng gamit na brip ng mga pari. O baka talaga ganito kasama ang paningin ng mga taga-CBCP sa mga bading at lesbyana? Ka-level ng mga kidnaper! Heinous crime na pala ngayon ang pagiging bading at lesbyana sa ating bansa. Salamat, bishop. Hindi naming alam ‘yan.
Pagkarinig ng sagot na ito, parang nakita kong ngumiwi nang kaunti si Howie pero di ako sure. Dumiretso na lamang siya sa sumunod na katanungan.
Sabi pa ni Quitorio, “wala sa kultura” ang pagpapakasal ng mga bading at lesbyana na siguro kasama na rin ang homoseksuwalidad mismo. Anong kultura ba ang tinutukoy niya? Siguro naman hindi ang kulturang Filipino. Pero sa tono ng pananalita niya, mukhang kulturang atin ang tinutukoy niya. Naku, bishop, delikadong statement ‘yan. Tiyak di pinag-isipan.
Kunsabagay, siguro limitado lamang talaga ang mga babasahin na nakapapasok sa huklubang kuweba, este, sa bakuran ng CBCP kung saan nananahan ang kaluluwa ni Padre Damaso. Kaya bilang isang mabuting kristiyano, specifically Katoliko, ako na lamang ang magbabahagi kay Quitorio ng isang nabasa ko noong nakaraang taon sa Malay, ang internasyonal na jornal sa Filipino ng ipinagmamalaki kong Alma Mater, ang De La Salle University-Manila, isang Katolikong unibersidad na nagdiwang ng sentenaryo nito kamakailan lamang. Sa Setyembre 2010 isyu ng nasabing jornal, may artikulo ang iskolar ng literatura at manunulat na taga-University of the Philippines-Los Baños na si Emmanuel B. Dumlao na pinamagatang “Berinarew: Pagsasanib ng Aral at Aliw.”
Pinag-aralan ni Dumlao ang mga konsepto ng moralidad ng mga Teduray, mga katutubong matatagpuan sa Maguindanao, sa pamamagitan ng isa sa tatlo nilang mga epiko, ang Berinarew. Ang isa sa mga nakatutuwang nadiskube ni Dumalao ay wala palang bakla o lesbyana sa mga Teduray. Ups, mukhang tama si Quitorio. But wait a minute, baby! Walang bakla o lesbyana sa kanila dahil kung kung lalaki at nagkagusto ka sa kapuwa mo lalaki at gusto mong maging babae, go ahead baby, magpakababae ka. Gayundin sa babae. Kung may type kang babae at gusto mong maging lalaki, go ahead baby, magpakalalaki ka! Vongga di vah?

Paliwanag ni Dumlao: Gaya ng pagkilala sa bakla, agi, bayot sa iba’t ibang dako ng Filipinas, wala ring problema sa mga Teduray ang usapin ng sexual o gender preference. Mayroon silang tinatawag na “mentefuwaley libun” at “mantefuwaley lagey” na ang ibig sabihin ay “lalaking naging babae” at “babaeng naging lalaki.” Ang ganitong pagpapalit ng kasarian para sa isang Teduray ay kasing-natural lamang ng pag-aasawa. Hindi pekpek o titi ang batayan nila ng sekswalidad kundi ang kilos ng isang indibidwal. Ibig sabihin, magiging babae ang isang lalaki kung kikilos at magdadamit siya bilang babae. (Dumlao 56)
Dagdag pa niya, “Para sa mga Teduray, ang isang lalaking nagpalit ng kasarian ay ‘mentefuwaley libun,’ hindi siya bakla, hindi siya bisexual. Siya ay babae, ‘mentefuwaley libun’ o lalaking naging babae (56).” Sana hindi atakehin sa puso ang Santo Papa kapag mabasa niya ito.
Maaaring sabihin ni Quitorio (at ng iba pang mga kontrabida) na ‘yun nga, nandoon pa rin ang konsepto ng kasal sa pagitan lamang ng babae at lalaki. Sa Teduray, kailangang maging babae muna ang isang bading upang puwedeng magpakasal sa lalaki. Pero sigurado ako na kahit hiramin ko pa ang napakamahal na gown ni Regine Velasquez at magpapakasal ako kay Piolo Pascual (let’s say, next week! Bwahaha. At assuming na hindi kokontrahin ni KC Concepcion o kaya magmamakaawa sa akin ang idolo kong si Sharon Cuneta na ibalato ko na lamang sa anak niya si Piolo), hindi pa rin papayag si Quitorio. Hindi kasi talaga ito puwede sa kuweba, este, sa CBCP nila.
Nanggigigil talaga ako sa homophobia at kakitiran ng isipan ng mga pari at obispo ng simbahang Katoliko. Masyado nilang isinasabuhay hindi ang mga salita ni Hesus kundi ang kanilang “Catholic Hypocrisy.” Akala mo walang mga paring nangunguflang sa mga madilim na sinehan. Akala mo walang mga paring naninilip ng mga titi sa CR ng mga mall. Akala mo walang naghahadahan sa loob ng mga seminaryo. Akala mo walang mga paring sapilitang hinahada ang mga kawawang sakristan na kadalasan ay mga anak-mahirap! May isa nga akong kilala na malditang pari, hinahada ang mga guwardiya sa mga paaralan nila saan man siya madestino bilang administrador. Iniskandalo pa nga siya minsan dahil nakukulangan na ang guwardiya sa ibinibigay niyang pera.
May teorya akong ganito, may tatlong rason lamang kung bakit nagiging pari ang mga lalaki sa Filipinas. Una, upang takasan ang kahirapan ng buhay. Marami kasing mayayamang deboto na dahil hindi na alam ang gagawin sa limpak-limapak nilang salapi ay willing magbigay ng iskolarship sa mahihirap na batang gusto kunwaring magpari. Indulhensiya rin kasi ito. Lalo na ang mga angkan ng mga politiko na marami ang ninakaw sa kaban ng gobyerno o ang negosyo ng pamilya ay lumaki dahil sa pandaraya at di pagbabayad ng hustong suweldo at benepisyo sa kanilang mga manggagawa. Kaya may mga paring may ibinabahay na babae at nagkakaroon ng mga anak. Mayroon ding nangungupit ng pera ng parokya o ng konggregasyon para patayuan ng bahay ang mga magulang at kapatid. Ganito kapag walang totoong bokasyon ang nagpapari.
Pangalawa, mga maykaya ang angkan subalit hindi masyadong matalino at hindi uubra kung maging abogado o doktor sila. Kaya maraming pari na kahit nag-apat na taon sa pag-aaral ng pilosopiya wala pa ring kakayahan mag-isip at walang lohika ang mga pinagdadakdak. At pangatlo, bading na gustong itago ang kanilang pagkabading. Kaya maraming pari at obispo ang galit sa mga bading kasi nakikita nila ang kanilang sarili sa mga bading na ito. Ang tawag dito ng mga lola kong sina J. Neil C. Garcia at Danton Remoto, “internalized homophobia,” na mas delikado kaysa “plain homophobia” lamang na siyempre peligroso pa rin sa mga katulad namin. Kadalasan, kumbinasyon pa ‘yan ng una at pangatlo, at ng pangalawa at pangatlo.
Palaging kasama sa ipinagdadasal ko kapag nagsisimba ako ay sana magising na at maging matapang ang mga bading na pari at obispo na baguhin ang pananaw ng simbahan tungkol homoseksuwalidad. Sana sila na ang makipaglaban sa loob ng CBCP hanggang sa banal na estado ng Vatican. Wake up and fight for us, sisters!
Gusto kong malaman ng mga katulad ni Quitorio na mas magiging masaya sana ako sa pagdasal at pagdalo ng misa sa loob ng simbahan kung alam kong tanggap na tanggap ako nang kinagisnan at minamahal kong relihiyon na minana ko pa sa aking mga magulang.’ Yun lang.
Sa interbyu naman na Howie kay Rev. Ceejay Agbayani na siyang administrative pastor ng MMC, ipinagdiinan nitong huli ang pagkakaroon ng “freedom of religion” sa ating bansa na ginagarantiyahan ng ating Konstitusyon. Kaya hindi puwedeng sabihin ng isang obispo na iligal ang “kasal” na ginagawa nila dahil hindi ito pinapayagan ng estado. Ang kasalan sa MMC ay bahagi ng mga relihiyosong ritwal at may karapatan ang MMC na gawin ito.
Aminado naman si Ceejay na walang marriage license ang mga kasalan sa kanilang simbahan. Aniya, “holy union” ito at hindi “holy matrimony.” Sa ritwal na ito, humihingi lamang ng basbas ang nagmamahalang parehong lalaki o parehong babae mula sa Diyos. Pagpapakita lamang daw ito na tunay at dalisay ang pagmamahalang ito.
Nagtanong naman si Kara David kung ano ang masasabi ni Ceejay sa ilang mga paniniwalang ang mga bading ang dahilan ng pagkalat ng sakit na AIDS. Stereotyping ito, sabi ni Ceejay. Hindi raw naman sa mga bading nagsimula ang AIDS. Pero siyempre, katotohanan din na marami ngang mga bading ang may AIDS sa ngayon. Kaya makabubuti raw ang homosexual marriage para ma-encourage ang mga bading at lesbyana na maging tapat sa kanilang partner sa buhay. Ang pagpapakasal, bagamat hindi garantiya, ay makakapagpatibay ng katapatan.
Ang MCC ay isang relihiyong Protestante na itinatag para magkaroon ng simbahan ang mga bading at lesbyana na itinatatwa ng ibang mga kristiyanong simbahan, lalo na ng simbahang Katoliko.
Masayang-masaya siyempre si Ceejay sa pagsasabatas ng homosexual marriage sa New York.
Nang tinanong siya ni Howie kung kailan kaya magkakaroon ng ligal na homosexual marriage sa Filipinas, masaya at tumatawa siyang sumagot ng, “Kung hindi mamayang hapon, baka next week!” Oo nga naman. Why not, coconut? Ayon nga sa mga natutunan ko mula sa mga madre noong nasa elementarya pa lamang ako sa Assumption sa Antique, “With God, nothing is impossible.” Tumpak! Korak! Plak!
Oh, by the way high way run way whatever way… Si Ceejay pala ang tinutukoy ko sa pamagat ng sanaysay na ito na matalinong obispo. Joke lang po iyong nasa unang talata, if I may stress the obvious. Grrr!

[27 Hunyo 2011
Lungsod Pasig]

Comments

Popular posts from this blog

Five Poems by Danton Remoto

In the Graveyard Danton Remoto The walls round the graveyard Are ancient and cracked. The moss is too thick they look dark. The paint on my grandfather’s tomb Has the color of bone. Two yellow candles we lighted, Then we uttered our prayers. On my left, somebody’s skull Stares back at me: a black Nothingness in the eyes. The graveyard smells of dust Finer than the pore of one’s skin— Dust mixed with milk gone sour. We are about to depart When a black cat darts Across our path, quickly, With a rat still quivering In its mouth. * Immigration Border Crossing (From Sadao, Thailand to Bukit Changloon, Malaysia) Danton Remoto On their faces that betray No emotion You can read the unspoken Questions: Are you really A Filipino? Why is your skin Not the color of padi ? Your eyes, Why are they slanted Like the ones Who eat babi ? And your palms, Why are there no callouses Layered like th...

A mansion of many languages

BY DANTON REMOTO, abs-sbnNEWS.com/Newsbreak | 10/16/2008 1:00 AM REMOTE CONTROL In 1977, my mentor, the National Artist for Literature and Theater Rolando S. Tinio, said: “It is too simple-minded to suppose that enthusiasm for Filipino as lingua franca and national language of the country necessarily involves the elimination of English usage or training for it in schools. Proficiency in English provides us with all the advantages that champions of English say it does – access to the vast fund of culture expressed in it, mobility in various spheres of the international scene, especially those dominated by the English-speaking Americans, participation in a quality of modern life of which some features may be assimilated by us with great advantage. Linguistic nationalism does not imply cultural chauvinism. Nobody wants to go back to the mountains. The essential Filipino is not the center of an onion one gets at by peeling off layer after layer of vegetable skin. One’s experience with onio...

Taboan: Philippine Writers' Festival 2009

By John Iremil E. Teodoro, Contributor The Daily Tribune 02/26/2009 A happy and historical gathering of wordsmiths with phallocentric and Manila-centric overtones *** This is from my friend, the excellent poet and critic John Iremil Teodoro, who writes from the magical island of Panay. I wish I have his energy, his passion and his time to write. Writing needs necessary leisure. But this budding, bading politician has shifted his directions. On this day alone, I have to attend not one, not two, but three political meetings. And there goes that new poem out of the window. Sigh. *** According to Ricardo de Ungria, a poet of the first magnitude and the director of Taboan: The Philippine International Writers Festival 2009, “the original idea was for a simple get together of writers from all over the country who have been recipients, directly or indirectly, of grants and awards from the National Commission for Culture and the Arts (NCCA). What happened last Feb. 11 to 13 was far from being ...