ni Ellen Tordesillas
www.ellentordesillas.com
Abante
Tinanong ko ang isang dating cabinet member ni Gloria Arroyo kung ano ang atmosphere kapag nasa loob ka ng MalacaƱang.
Gusto ko kasing intindihin kung bakit ang mga pinagsasabi ni Gloria Arroyo ay malayo sa nakikita at naramdaman ng taumbayan. Hindi ko alam kung siya ba ay nasa alapaap o talagang sobra siyang sinungaling.
Sabi ng dating opisyal kapag nasa loob ka ng MalacaƱang, lalo pa sa lugfar ni Arroyo, madali ka mawala sa realidad. “Ang mga taong kausap mo ay sasaibhin sa iyo ang akala nila gusto mong malaman kahit na hindi yun ang katotohanan,” sabi niya. Lalo kay Arroyo na mataray. Mahirap magsabi ng “bad news” at baka ikaw pa ang matarayan. .
Sa kalaunan, sabi niya, “ang mundo na mabubuo sa isip mo ay ang ikinukwento sa yo at hindi ang mundo sa labas ng bakod ng MalacaƱang.”
Kaya katulad sa kanyang SONA, nakakamangha kung saan-san niya kinukuha ang kanyang mga datos para sabihin na mas kokonti ang walang trabaho at mas malakas ang kita ng mga jeepney driver. Alam naman ng lahat na dumarami ang walang trabaho at halos wala nang maiuwi ang mga driver sa kanilang kita dahil sa mahal ng gasolina.
Ang lakas pa ng loob niya magpasalamat sa mamamayan sa VAT na siyang nagpapahirap sa lahat.
Sabi nga ng isang kakilala ko, kung tumagal-tagal pa ang Sona ni Arroyo, baka nabasag na ang kanyang TV sa galit niya sa mga kasinungalingan na kanyang naririnig.
Nagtataka ang MalacaƱang kung bakit sa halip na magpapasalamat ang mga tao sa ipinahayag ni Arroyo na pagbaba ng presyo ng text sa 50 sentimos, ay marami pa ang naiinis.
Sabi ng mga negosyante, paki-alam sa m,ga pribadong negosyo ang ginawa ni Arroyo na pinilit ang mga telecom companies katulad ng Globe at Smart na magbaba ng presyo. Pakiki-alam yan sa pribadong negosyo at labag sa Constitution sabi nila. Dagdag pa nila, ayaw ng mga foreign investors ang ganung palakad.
Marami naman sa ordinaryong mamamayan ang naiinis dahil para silang naloko ni Arroyo. Sabi ng isa, “pumalakpak pa ako ng sinabi niyang 50 sentimos na lamang ang text mula Globe papuntang Smart. Akala ko naman totoo. Tatlong buwang promo lang pala yun ng Globe at Smart. “
Oo nga naman. Ang pagkasabi niya ay parang permanente nang 50 sentimos ng text. Kung promo lang pala yun ng Globe at Smart, bakit isinama pa sa Sona?
Sabi ni Commissioner Sarmiento, hindi raw nila sinabi kay Arroyo na promo lang ang 50 sentimos. Kaya pala. Nasa ibang mundo nga siya.

Comments