May Isang Matalinong Obispo Ni J.I.E. TEODORO OO, mayroon, taga-Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP, at ang ngalan niya ay si Msgr. Pedro Quitorio. Sa pangalan pa lang niya, nanginginig na ako sa takot. After all, huwag nating kalimutan, si San Pedro ang may hawak ng susi papasok sa tarangkahan ng langit. Kung wala ang pangalan mo sa kaniyang libro, good luck sa ‘yo, doon ka na sa impiyerno. Kung susundan kasi natin ang argumento ni Quitorio, kung bading ka (at gusto mo pang magpakasal, que horror!), wala ka sa listahan ng kaniyang tokayo. Ganito kasi iyon. Sa News To Go ng GMANEWS TV kaninang umaga (27 Hunyo 2011), masayang ibinalita nina Howie Severino at Kara David na ligal na ang pagpapakasal ng parehong babae at parehong lalaki sa New York. Inaprubahan ang batas na ito ng kanilang Senado noong isang araw at nagdiwang ang maraming mga bading at lesbyana sa iba’t ibang bahagi ng mundo lalo na siyempre sa di natutulog na lungsod ng New York. Pang-anim na estado na...