By Ellen Tordesillas
www.ellentordesillas.com
June 9, 2009
Bukas, magkita-kita tayo sa Ayala ng ika-lima ng hapon.
Ipakita natin ang ating pagtutol sa panloloko na ginagawa ni Gloria Arroyo sa pamamagitan ng Con-Ass na kanyang isinusulong pra siya manatili sa kapangyarihan habambuhay.
Sabi ni Rep. Mauricio Domogan, isa sa may-akda ng nakakadiri na House Resolution 1109, na kahit mag-ngangawa ang mga tao sa kalsada, wala silang paki-alam. Itutuloy nila ang kanilang ilegal na gawain.
Sabi niya sa susunod na buwan bubuu-in na ng mga congressman ang Constituent Assembly. Sabi niya kina-calibrate o tinatanya nila ang mga pangyayari.
Tama yun, sa isip nina Gloria Arroyo, hindi na mangyayari ang people power. Magra-rally man ang mga tao, isang araw lang yun. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, sino naman ang magtityaga na magprotesta. Kaya, maari nilang gawin ang ano man na pambabastos ng batas, alam nilang hindi mangyayari ang nangyari noong 1986 kay Marcos at noong 2001 kay Estrada.
Hawak ni Gloria Arroyo ang military kaya kahit mag-rally at magsisigaw sa kalsada araw-araw, wala silang paki-alam.
Ano ba talaga ang gusto ni Arroyo? Klaro na ayaw niya bumaba sa puwesto sa 2010. Alam niyang kapag bumaba siya, sa kulungan ang bagsak niya sa daming krimen na kanyang ginawa sa bayan. Simula sa kanyang pag-agaw ng pagkapresidente noong 2001, sa kanyang pandaraya noong 2004 na eleksyon na narinig natin sa “Hello Garci”, sa fertilizer scam, sa NBN/ZTE at marami pa.
Ngayon halos pag-aari na niya ang Pilipinas sa pag-gapang niya ng mga malalaking kumpanya sa pamamagitan ng kanyang mga crony. Ngunit alam niya na hindi nya yun maprutektahan kapag hindi na siya ang naka-upo sa Malacañang.
Sa halagang P20 milyon bayat isang boto, ipinasa ng kanyang mga tuta sa House of Representatives ang isang ilegal na resolusyon na magbuo ng Constituent Assembly para mag-palit ng Constitution para mapalawig pa ang paghawak ni Arroyo ng kapangyarihan.
Ayon sa Constitution, ang Constituent Assembly ay dapat binubuo ng Senado at House of Representatives. Dahil alam nilang hindi nila makuha ang Senado para mambastos ng Constitution, sila na lang daw na kongresista.
Ilegal ang kanilang ginagawa at pambabastos ng Constitution. Ito ang ating tinututulan. Kaya tayo nagra-rally.
Dahil mukhang pursigido talagang itulak ang kanilang maitim na balak, siguradong magiging matindi ang protesta sa susunod na mga linggo. Nababahala ang mga lider ng simbahan at negosyo na baka kapag tumindi ang protesta ay gagamitin ni Arroyo ang kanyang mga loyalistang pulis at militar ay magdeklara ng martial law at emergency rule.
Yun lahat ay depende sa atin kung papayagan natin.

Comments